Linggo, Agosto 10, 2014

Kali Kudlit ng Makabagong Baybayin ng Pilipinas

Panimula

      Sa kasalukuyan ang Baybayin ay wala pang pambansang Pamatay-Patinig. Ang karamihan ay may sari-saring paraan sa pag-alis o pagpatay ng Patinig sa isang sagisag(sagisag na binubuo ng Katinig-Patinig). Ilan sa mga halimbawa ng kudlit o pamatay-patinig ay ang J(Pamudpod o kudlit na nagmula sa Kavi), +(Krus), n(Kawil) at iba pa.
      Sa Makabagong Baybayin ang X ay ang pangunahing Pamatay-Patinig na mas gamitin ng karamihan sa kadahilang mas madali isulat -pakananan man o pababa ang paraan ng pagsulat. Ang X Kudlit ay binibigyang halaga bilang pambansang Pamatay-patinig para sa Baybayin. Ang Pamudpod at ilang lalawiganing Kudlit ay mananatiling buhay at ang X ay gagamitin para sa pangkalahatan.


Ang X Kudlit at mga Haka-hakang Pinagmulan
     
 1.) Taong 1914 ayun sa kanyang aklat ipinakilala ni Mr. Romualdez ang kanyang mga mungkahi para sa ikauunlad ng Tagbanwa Baybayin. Sa kanyang mungkahi ang X ay isang pamatay-patinig. Ang sagisag ay binubuo ng dalawang kudlit na pinag-isa > < . Sa marahil ito ang mas malapit na pinagmulan ng X o Kali/Sinawali kudlit ng kasalukuyan.

2.) Pangalawang maaring pinagmulan ng X kudlit ay ang mga "sagisag" ng larong Kali/Escrima/Arnis(paraan ng pakikipaglaban ng mga sinaunang Pilipino). Ang kadalasang sagisag ng Kali o FMA ay dalawang pamalo/yantok o dalang Itak/Patalim na naka pa-eks "X". Ang Kali/Sinawali ay nagsimulang sumikat ng lantaran sa Amerika at nuong bandang pagtatapos ng 60's at pasimula ng 70s. Sa Pilipinas ay umusbong rin ang mga laro tulad ng Kickboxing at mga katulad nitong laro tulad ng Panuntukan, Yawyan at Sikaran. Ang sagisag nito ang maaring ginaya ng ilang mga taga Manila bukod sa paraan ng pagsulat ng +.

3.) Ayon kay Christian Cabuay bandang 70's nang nasa Maynila siya ay nakita niya ang ilan na ang paggamit nila ng + ay hugis X. Bandang 90's ay ipinagpatuloy ang paggamit nito nila Alex Figueroa at Norman de los Santos, Christian Cabuay(1996) at karamihan ng magbabaybayin sa kasalukuyan.
Mula sa katawagang Sinawali nuong kalagitnaan ng 2003 ito ay pinalitan bilang Kali ng sumunod na taon.

Ang X bilang "Kali Kudlit"

     Ang Sinawali ay salitang kapampangan na naunang itinawag sa X bandang kalagitnaan ng taong 2013. Ang salita ay tumutukoy din sa paraan ng pagbuo ng mga dingding o pagsasala-sala. Ang salita ay katawagan din sa pagsasanay ng Kali na ginagamitan dalawang pamalong yantok.

    Ang Kali ay may mga katumbas na salita sa Luzon at Bisaya na mas angkop na salita para sa X kasabay ng pagsikat ng FMA ay siya ring pagyabong ng Pilipinong panulat sa makabagong panahon.

    Ang Kali ay mas maikling salita na pwedeng ipantawag sa X na walang angkop na ngalan bukod sa Ekis o Virama ng ka-Indiyahan. Ang Kali ay tumutukoy sa lahat ng mga uri at paraan ng pakikipaglaban at pagsasanay ng mga Pilipino tulad ng Sikaran, Kaliradman, Panuntukan, Sikaran at iba pa maging ito man ay may sandata o kamay-sa kamay.

Sinawali vs Kali bilang Katawagan

     Sa Luzon X kudlit ay kilalanin bilang Sinawali at Kali kudlit. Sa Bisaya at Mindanao ang Kudlit ay tinatawag bilang Kali kudlit. Ang katawagan ay ibinatay din sa Laro/Martial Art na Kali/Arnis na may kanya kanyang katawagan sa Luzon. Sa dami ng katawagan ay Sinawali at Kali lamang ang gagamitin.
     Alinman sa dalawang salita ang gamitin ay mainam kung ihalintulad sa iba pang katawagan tulad ng "Eks" na ginagamit ng mga di nakakakilala sa kudlit.

Mga Site na Kaugnay:
  1. Kali-Arnis-Eskrima
  2. Norberto Romualdez Book