Huwebes, Agosto 17, 2017

Pagkakamit ng Modern Baybayin ng "Blogger Recognition Award"


       Karangalan para sa aming mga Baybayinista pagkilala sa aming ginagawa para mas lalong pag-ibayuhin ang pagpapalaganap ng sinaunang panulat ng mga Pilipino sa makabagong panahon at mas praktikal na pamamaraan. 
       
Photo courtesy to the original creator

Patungkol sa Modern Baybayin Blog:

          Ang Modern Baybayin set project ay sinimulang buuin noong 2008 sa Flickr, Facebook Page at ibang blog sites mula sa lahat ng panukalang pagpapaunlad sa Baybayin. Sa panahong iyon kanya-kanyang panukala, walang pagkakaisa walang nagbubuod at nagpapaunlad ng mga panukala.
          Isa sa mga pinakaunang pinagkuhanan ng kaisipan ay ang mga gawa ni Mr. Bayani Mendoza De Leon na Extended Baybayin at maging ang Sabat ni Mr. Lopez, Zambal at Bikol "Ra" at Tagbanwa. Sa mga sumunod na taon ay isinama na ang mga gawa at ilang pamamaraan nina Mr. Norman Delos Santos, Norberto Romualdez Sr., Marthy Austria, Tim Liwanag, at mga di-tuwirang ugnayan sa mga gawa ni Mariuz Diaz, Joseph Barretto, Frederick AƱana at iba pa. 
           Ang Modern Baybayin blog ay para sa lahat ng uri ng Baybayinista/Mangbabaybayin, sila man ay Makaluma na gumagamit ng sinaunang pamamaraan, Semi-Modern, Post-Modern o Advance Modern. Lahat ng Baybayinista o mag-aaral ay malayang pag-aralan o gamitin ang antas ng Baybayin na nais nila nang sa ganoon lahat susulong at walang mag-aaway sa kung anong paraan ang tama. Ang ilang mga bagay ay mababasa/makikita sa mga susunod na Post.

Mga sumusunod na layunin ng Blog:

  1. Mapagsama-sama ang mga pagbabago at pag-unlad ng Makabagong Baybayin.
  2. Mas madaling pag-aralan at maunawaan ng mga Pilipino ang mga Antas ng Baybayin.
  3. Ma-view ng mas maraming mag-aaral sa Online sites ang mga patungkol sa Baybayin.
  4. Umakyat na sa ikalawang antas ng pagpapaunlad sa Baybayin; mapigil na ang mga paulit-ulit na panukala dahil  napakarami at sobra na, ang kailangan na lamang ay paunlarin at gamitin ang buod ng mga ito para umusad.
  5. Makapaghanda sa Transition Period at Batas ukol sa mga bayagang salita.
Mga Iminumungkahing Panooring Videos:
  1. Basic Baybayin/Traditional
  2. Paggamit ng Baybayin sa Kasalukuyang Panahon
  3. Semi-Modern Baybayin
  4. Post-Modern Baybayin
  5. Names in Baybayin