Baybayin para sa mga bagong Baybayinista. - Unang Antas
Ang Baybayin ay matututunan lamang sa loob ng isang araw kung pagtutuunan ang pag-aaral dito. Sa Baybayin ay maganda munang matutunan ang mga pangunahing Sagisag ang A, E/I, O/U, Ba, Ka, Da/Ra, Ga, Ha, La, Ma ,Na ,Nga, Pa, Sa, Ta, Wa, Ya.
Ang Makabagong Baybayin - Ikalawang Antas
Ang pag-unlad ng isang wikang panulat ay makikita sa kakahayan nitong sabayan ang takbo ng panahon at kung hindi man ito'y nasa panganib na mawala o nasa ilalim lamang ng iba pang mas mapanakop na panulat ng ibang bansa.
Ang Makabagong Baybayin - Ikatlong Antas
Sa pagpasok ng pandaigdigang ugnayan ang pakikipagsabayan sa impluwensiya ng malalaking bansa ay napakahalaga. Dito masusubok ang kakayahan ng antas ng Baybayin. Ang Lumang Baybayin na karaniwang binubuo ng 17 sagisag ay hindi sapat para sa mga tunog na nuon pa man ay mayroon na tulad ng Va, Ña, Sha, Tsa, Fa, atbpa. Sa pagpasok ng mga kanluraning mananakop ang mga Ngalan at Apelido ng mga Pilipino ay nahalunan ng may mga tunog na Lla, Za, Fa atbpa. Ang mga salitang banyaga na walang kaukulang kahulugan sa Baybayin ay maaaring isulat ng pabaybay -ngunit kung ito ay lalayo sa punong salita ito ay isusulat sa kahulugang sagisag sa Makabong Baybayin.
Ang tunog ng TSA at LLA sa kasalukuyan ay nangangailangan ng katumbas sa Baybayin sapagkat sa mga Apelido ng karamihan sa Pilipino ay may tunog na LLA at maraming salita ang ginagamitan ng TSA. (See Baybayin for Chavacano)