Ipinapakita ang mga post na may etiketa na modern baybayin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na modern baybayin. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Pebrero 20, 2017

Apat na Antas, Tandang Balanghay at mga Tuntunin sa Baybayin

Mga halimbawa ng pagkakasulat ayon sa Apat na Antas


Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Tandang Balanghay


Pagpapaunlad ng Baybayin sa kabila ng mga bagay na nagpapagbagal sa pag-usad.

Martes, Setyembre 13, 2016

Modern Baybayin - Regular Style Set

Updated Modern Baybayin set since 2020.
      Ang ilang nakapaloob sa Chart ay optional lamang sa gagamit nito at nasa kanila kung alin sa Apat na Antas ang paggagamitan.

1.) Unang Antas - Old Baybayin
2.) Ikalawang Antas - Semi-Modern/Classical Baybayin
3.) Ikatlong Antas - Modern Baybayin
4.) Ikaapat na Antas -Advance Modern Baybayin

2020 Version- With Sha, Cha, Ca, Qa, Xa
2020 Version- No Ca, Qa, Xa
2016 Version

Martes, Oktubre 6, 2015

Modern Baybayin

Mataas na Antas ng Makabagong Baybayin
        Para sa mas praktikal at makabagong mga pamamaraan sa paggamit ng pambansang panulat. Ang Makabagong Baybayin ay may mga tuntunin ukol sa limitasyon sa pagsasalin ng mga banyagang salita na walang tuwirang kahulugan sa sariling wika. Ang ilan sa mga makabagong sagisag at pamamaraan ay optional lamang para sa mga Makalumang Baybayinista.

(Nagpanibago ang bahagi Tandang Balanghay mula isang tungo sa dalawang tambalan - Agosto 21, 2017)

Biyernes, Abril 17, 2015

Baybayin Chart for Beginners

Baybayin para sa mga bagong Baybayinista. - Unang Antas
    Ang Baybayin ay matututunan lamang sa loob ng isang araw kung pagtutuunan ang pag-aaral dito. Sa Baybayin ay maganda munang matutunan ang mga pangunahing Sagisag ang A, E/I, O/U, Ba, Ka, Da/Ra, Ga, Ha, La, Ma ,Na ,Nga, Pa, Sa, Ta, Wa, Ya.


Ang Makabagong Baybayin - Ikalawang Antas
         Ang pag-unlad ng isang wikang panulat ay makikita sa kakahayan nitong sabayan ang takbo ng panahon at kung hindi man ito'y nasa panganib na mawala o nasa ilalim lamang ng iba pang mas mapanakop na panulat ng ibang bansa. 

Ang Makabagong Baybayin - Ikatlong Antas
Sa pagpasok ng pandaigdigang ugnayan ang pakikipagsabayan sa impluwensiya ng malalaking bansa ay napakahalaga. Dito masusubok ang kakayahan ng antas ng Baybayin. Ang Lumang Baybayin na karaniwang binubuo ng 17 sagisag ay hindi sapat para sa mga tunog na nuon pa man ay mayroon na tulad ng Va, Ña, Sha, Tsa, Fa, atbpa. Sa pagpasok ng mga kanluraning mananakop ang mga Ngalan at Apelido ng mga Pilipino ay nahalunan ng may mga tunog na Lla, Za, Fa atbpa. Ang mga salitang banyaga na walang kaukulang kahulugan sa Baybayin ay maaaring isulat ng pabaybay -ngunit kung ito ay lalayo sa punong salita ito ay isusulat sa kahulugang sagisag sa Makabong Baybayin. 

     Ang tunog ng TSA at LLA sa kasalukuyan ay nangangailangan ng katumbas sa Baybayin sapagkat sa mga Apelido ng karamihan sa Pilipino ay may tunog na LLA at maraming salita ang ginagamitan ng TSA. (See Baybayin for Chavacano) 

Biyernes, Mayo 9, 2014

Modern Baybayin Chart and the Three Vowel Killer/Virama


Baybayin and Pamudpud
Makabagong Baybayin na gumagamit ng Pamudpud bilang Vowel Killer. Ang Pamudpud ay ginagamit sa kasalukuyan ng mga katutubong Mangyan. Ang Ra ay isa ding makabagong dagdag na sagisag sa Mangyan  Baybayin. Sa kasalukuyan marami ang gumagamit ng Pamudpud bilang Vowel Killer nukod sa Sinawali at Kawil.


Baybayin and Kali(Sinawali)

           Ang Kali kudlit(Sinawali) ay mas gamitin ng mga Makabagong Baybayinista. Ang X ay maaring tuwirang nagmula sa ipinanukala ni Mr. Norberto Romualdez sa Baybayin ng Tagbanwa nuong 1914. Ang X(Kali) ay in-adopt nuong 2013 ng Modern Baybayin Community bilang isa sa pangunahing Pamatay-patinig na gagamitin. Ang Kali ay naunang pinangalanan nuong 2013 bilang Sinawali tinawag ng Modern Baybayin Community bilang Sinawali o binase sa magkahilis na dalawang Stick o dalawang Patalim/Itak o Espada na sinaunang paraan ng pantanggol ng mga Pilipino.
           Ang Sinawali ay lalawiganing salita ng Kapampangan para sa katutubong paraan ng pakikipaglaban at tumutukoy rin sa paggawa ng dingding o pagsasala sala ng buho o kawayan. Ang Kali ay pangkalahatang pantawag sa mga katutubong paraan ng pakikipaglaban na ginagamitan ng dalawang pamalo -ang Yantok o maging mga patalim/ itak tulad ng Balisong, Baraw, Bolo, Kampilan at maging sa mga pakikipaglaban gamit lamang ang dalawang kamao at paa.