Miyerkules, Disyembre 30, 2015

Baybayin - Pag-uulit ng Salitang-ugat o Bahagi ng salita

Mga paraan para paikliin sa pagsulat ang mga salitang napakahaba isulat. Kung halimbawang huling pantig lamang ang uulitin ito ay may katumbas na dalawang tuldok/bilog at isang guhit.

30 komento:

  1. 3 dot = Repeating the syllable 3 times
    3 lines = Repeating the rootword
    1 dot + 2 lines = repeating last two syllable

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Meron po bang 2 dots + 1 line? Thank you po sa sagot.

      Burahin
  2. may script din po ba sa mga numero ?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang Baybayin ay walang sagisag sa pagbilang. Ito ay sinusulat ng pasalita halimbawa "Isa, Dalawa etc."
      Ang Kavi bandang 900AD sa pilipinas ay may pamilang na tulad sa Indonesya na gumagamit din ng Kavi script.
      Ang Pamilang na sinusulong ni Ginoong Bonifacion Commandante ay Guesting lamang hango sa mga ukit sa Angono Drawings.

      Burahin
    2. Iminumungkahi ko po na lagyan ng tumbas-bilang ang ilang piling titik sa baybayin... Ako po ay gimawa ng ganoong kaayusan (sistema) gamit ang modernong suwat bisaya na guhit mukha (font face) na ginawa ni Akopito

      Burahin
  3. ngayon ko lang po navisit ung site na ito puede niyo po bang ilaborate yung ibig sabihin talaga or representative ng dots at lines halimbawa po
    dots=syllables lang
    lines=rootword lang
    medyo nagulohan lang po kase ako dun sa 1dot +2lines
    thanks po sana mabasa nio

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kapag 3 dots = uulitin ang isang sagisag(hindi syllable)
      Kapag 3 lines = uulitin buong salita(para yan sa mga salitang paro-paro, halo-halo, bilbil, layang-layang
      Kapag 1 dot 2 lines = uulitin yung huling dalawang syllable o pantig tulad ng sa GI at LIW

      Burahin
  4. Magagamit po ba ito sa mga salitang tulad ng bagung-bago, etc. Yung mga inuulit na salita na nilalagyan ng "ng/na" sa gitna like "sikat na sikat","maruming marumi"...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha magangdang tanong po yan pero hindi ko po alam. Sa tingin ko po, hindo mo po ito pwede gamitin, kaya baka gawa ka nalang po ng bagong paraan.

      Burahin
    2. Hindi po magagamit kapag may ibang tunog sa pagitan ng dalawang magkparehong baybay tulad ng BagoNG-bago. :-)

      Burahin
  5. Ang salitang "dibdib", ano ang gagamitin? Tatlong dots or tatlong linya?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tatlong guhit, hindi dalawang tuldok dahil yung buong salita na 'dib' yung inuulit natin. dalawang dots ay gagamitin lamang pag isang syllable ay inulit, halimbawa, sa maalala, dalawang dots ay ilalagay para sa 'la'

      Burahin
    2. Kapag 2 tuldok sa dulo:
      DIB = DIBB
      Pero kung 3 lines sa dulo ng DIB = DIBDIB dahil buong pantigan na nauna ang inuulit.
      Isa pa iyan sa nagpapaikli ng pagsulat na hindi nakikita ng ibang Pinoy na nagsasabing masyadong kumakain ng space ang Baybayin kaysa Latin.

      Burahin
  6. Mabuti't nakita ko po ito. Tanong ko lang po, paano pag ang inuulit pantig ay nasa gitna? Halimbawa po ay "pagbabago" at "nahihirapan"?

    Tsaka ano po ba yung sagisag? Nabasa ko po kasi hindi siya syllable. Nalilito po kasi ako.
    Salamat po sa sagot nyo po.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa pagbabago, dahil inuulit natin yung "ba" lagyan niyo po ng tutuldok (ganto, ba:) pagtapos ng titik ng "ba". Hindi ko alam an ibig sabihin ng sagisag pero ito ang alam ko Talˆa: salitang-ugat - root word, pantig - syllable, gitling - hyphen, patinig - vowel, katinig - consonant,
      panlapi - affix, hulapi - suffix (https://samutsamot.files.wordpress.com/2012/07/pagbubuo-ng-mga-salita_inuulit.pdf).
      para sa mga inuulit na patinig tignan mo itong website na ito, https://baybayinfoundry.blogspot.com/2014/09/kudlit-bulilit-small-diacritic-small.html, at,
      http://nordenx.blogspot.com/2014/12/worth-repeating.html

      Burahin
    2. Tama po Tutuldok na Pang-ulit.
      BA: = BABA
      HA: = HAHA

      Burahin
    3. Ewan ko kung tama ako. Pero basi sa examples sa taas, palagay ko ang sagisag ay "character". Meaning, isang letra. May it be a syllable or a stand-alone vowel. Ewan ko kung tama

      Burahin
  7. Ano po ang gamit ng balanghay sa pagsulat ng baybayin? Maraming salamat po sa sasagot :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ito ang nagsisilbing marka para sa mga salita/ngalan na hindi nakabaybay Tulad ng JA sa Jayson na common sa Lumang paraan ay masusulat sa baybay bilang Jeyson/Dyeyson. Para walang kalituhan kung paano babasahin ang banyagang salita(kadalasan hindi nakabaybay) gagamitan ng Balanghay mark. Iwas puna mula sa mga Purista, ikalawa bago ito sa Baybayin para maisabay sa Pambansang Ortograpiya na wala sa Baybayin nuon.

      Burahin
  8. Paano po isulat ang kasabihan na ito sa baybayin.
    -Never give up.
    -Try and try until you succeed.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hu-wa-g su-su-ko
      Su-mu-bo-k ng su-mu-bo-k ha-ng-ga-ng ma-g-ta-gu-m-pa-y
      Hanapin lamang ang mga katumbas na sagisag sa: https://modernbaybayin.blogspot.com/2016/09/modern-baybayin-regular-style-set-2016.html

      Burahin
  9. Magandang araw! Paano po kapag ang salita ay 'uulan', magagamit po ba ito sa patinig na 'u'?

    TumugonBurahin
  10. sir paano po isulay ang "Ako'y" "puso't isipan" "ka't" hirap lang po ako ano pwede gamitin sa simbolong (')

    TumugonBurahin
  11. Dito talaga ako nalilito sa paglagay ng dots at lines.

    TumugonBurahin
  12. Paano po pag 2 dots at 1 line sa dulo?

    TumugonBurahin