Mga paraan para paikliin sa pagsulat ang mga salitang napakahaba isulat. Kung halimbawang huling pantig lamang ang uulitin ito ay may katumbas na dalawang tuldok/bilog at isang guhit.
Ang Baybayin script ng Pilipinas sa Kasalukuyang Panahon. -Tatak ng Lahing Kayumanggi. Ibahagi sa lahat ng Pilipino ! ! Long live mga Baybayinista ! !
Miyerkules, Disyembre 30, 2015
Biyernes, Oktubre 30, 2015
Miyerkules, Oktubre 21, 2015
Martes, Oktubre 6, 2015
Modern Baybayin
Mataas na Antas ng Makabagong Baybayin
Para sa mas praktikal at makabagong mga pamamaraan sa paggamit ng pambansang panulat. Ang Makabagong Baybayin ay may mga tuntunin ukol sa limitasyon sa pagsasalin ng mga banyagang salita na walang tuwirang kahulugan sa sariling wika. Ang ilan sa mga makabagong sagisag at pamamaraan ay optional lamang para sa mga Makalumang Baybayinista.
Miyerkules, Setyembre 16, 2015
Baybayin Da and Ra
Pagsulat ng Da at Ra sa Kavi at Baybayin ng Pilipinas
Revision:
2016: Added Barretto 2006
2019: Added Samar 1668
Ang Ra ni Delos Santos ay orihinal na Half Slash mula sa Pa (via Bikol 1835)
Ang Ra ni Villaruz ay Full Slash mula Bikol 1835.
Ang Ra ni Romualdez nuong bandang 1914 ay hango sa Tagbanwa La at hindi sa Da.
Mga etiketa:
baybayin da,
baybayin ra
Miyerkules, Agosto 26, 2015
Huwebes, Mayo 28, 2015
Baybayin Kudlit
Ang Pinakapunong sagisag ng isang Titik-Baybayin ay binubuo nang kasama ang Patinig na A halimbawa "Ba". Sa pagdaragdag ng Kudlit sa itaas o ibaba ay nag-iiba ang tunog ng patinig A sa Punong Titik-Baybayin at ito ay pwedeng maging E(Be), I(Bi), O(Bo), U(Bu) o maalis ang Patinig sa sagisag "B".
Biyernes, Abril 17, 2015
Baybayin Chart for Beginners
Baybayin para sa mga bagong Baybayinista. - Unang Antas
Ang Baybayin ay matututunan lamang sa loob ng isang araw kung pagtutuunan ang pag-aaral dito. Sa Baybayin ay maganda munang matutunan ang mga pangunahing Sagisag ang A, E/I, O/U, Ba, Ka, Da/Ra, Ga, Ha, La, Ma ,Na ,Nga, Pa, Sa, Ta, Wa, Ya.
Ang Makabagong Baybayin - Ikalawang Antas
Ang pag-unlad ng isang wikang panulat ay makikita sa kakahayan nitong sabayan ang takbo ng panahon at kung hindi man ito'y nasa panganib na mawala o nasa ilalim lamang ng iba pang mas mapanakop na panulat ng ibang bansa.
Ang Makabagong Baybayin - Ikatlong Antas
Sa pagpasok ng pandaigdigang ugnayan ang pakikipagsabayan sa impluwensiya ng malalaking bansa ay napakahalaga. Dito masusubok ang kakayahan ng antas ng Baybayin. Ang Lumang Baybayin na karaniwang binubuo ng 17 sagisag ay hindi sapat para sa mga tunog na nuon pa man ay mayroon na tulad ng Va, Ña, Sha, Tsa, Fa, atbpa. Sa pagpasok ng mga kanluraning mananakop ang mga Ngalan at Apelido ng mga Pilipino ay nahalunan ng may mga tunog na Lla, Za, Fa atbpa. Ang mga salitang banyaga na walang kaukulang kahulugan sa Baybayin ay maaaring isulat ng pabaybay -ngunit kung ito ay lalayo sa punong salita ito ay isusulat sa kahulugang sagisag sa Makabong Baybayin.
Ang tunog ng TSA at LLA sa kasalukuyan ay nangangailangan ng katumbas sa Baybayin sapagkat sa mga Apelido ng karamihan sa Pilipino ay may tunog na LLA at maraming salita ang ginagamitan ng TSA. (See Baybayin for Chavacano)
Lunes, Enero 5, 2015
Modern Baybayin Developments
Ang Kavi script at ang ilan sa mga naiambag na mga pagbabago sa Baybayin para sa Makabagong Baybayin.
Ang pag-unlad ng Baybayin ay pananagutan ng bawat Pilipino para sa ikauunlad ng pambansang kayamanan na ipinamana sa atin.
Mga Sagisag ng Kavi na wala sa Lumang Baybayin/Zambal E-I at RA/Lopez + Virama
Bikol Ra/Romualdez Proposed Tagbanua Baybayin/Extended Baybayin by B. Mendoza
Table 2
Rizaleo Baybayin by Diaz/Modern Baybayin
Table 3
Alternative Characters by N. de los Santos/Modern Developments by M. Austria and T. Liwanag
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)