Baybayin and Pamudpud
Makabagong Baybayin na gumagamit ng Pamudpud bilang Vowel Killer. Ang Pamudpud ay ginagamit sa kasalukuyan ng mga katutubong Mangyan. Ang Ra ay isa ding makabagong dagdag na sagisag sa Mangyan Baybayin. Sa kasalukuyan marami ang gumagamit ng Pamudpud bilang Vowel Killer nukod sa Sinawali at Kawil.
Baybayin and Kali(Sinawali)
Ang Kali kudlit(Sinawali) ay mas gamitin ng mga Makabagong Baybayinista. Ang X ay maaring tuwirang nagmula sa ipinanukala ni Mr. Norberto Romualdez sa Baybayin ng Tagbanwa nuong 1914. Ang X(Kali) ay in-adopt nuong 2013 ng Modern Baybayin Community bilang isa sa pangunahing Pamatay-patinig na gagamitin. Ang Kali ay naunang pinangalanan nuong 2013 bilang Sinawali tinawag ng Modern Baybayin Community bilang Sinawali o binase sa magkahilis na dalawang Stick o dalawang Patalim/Itak o Espada na sinaunang paraan ng pantanggol ng mga Pilipino.
Ang Sinawali ay lalawiganing salita ng Kapampangan para sa katutubong paraan ng pakikipaglaban at tumutukoy rin sa paggawa ng dingding o pagsasala sala ng buho o kawayan. Ang Kali ay pangkalahatang pantawag sa mga katutubong paraan ng pakikipaglaban na ginagamitan ng dalawang pamalo -ang Yantok o maging mga patalim/ itak tulad ng Balisong, Baraw, Bolo, Kampilan at maging sa mga pakikipaglaban gamit lamang ang dalawang kamao at paa.
Baybayin and Kawil
Ang Kawil ay isa kudlit na pamalit sa Cross kudlit/Virama na ipinakilala ng mga Kastila. Ang Kawil ay unang tinawag na Livana Kudlit(mula sa salitang Luvimiah) at unang lumabas nuong 2008. Ang Kudlit ay binase sa Virama ng Kavi ng Pilipinas na pinaliit lamang at hinugis sa isang Hook o Taga'/Kawil at maging sa Karit o isang uri ng Patalim/Itak. Ang Kawil ay isa ding sagisag ng mga sinaunang Sibilisasyon , lalo na sa mga unang Sibilisasyon ng Timog at Silangang Asya. Ang karit at mga uri ng hawig na patalim ay karaniwan sa Panay at hilagang Luzon at maging sa Mindanao.
Mayroonpo ba kayong pinaka-unang salin ng Baybayin? For comparison purposes sa moderno o makabago. salamat
TumugonBurahinkomunikasyon
TumugonBurahin