Linggo, Agosto 10, 2014

Kali Kudlit ng Makabagong Baybayin ng Pilipinas

Panimula

      Sa kasalukuyan ang Baybayin ay wala pang pambansang Pamatay-Patinig. Ang karamihan ay may sari-saring paraan sa pag-alis o pagpatay ng Patinig sa isang sagisag(sagisag na binubuo ng Katinig-Patinig). Ilan sa mga halimbawa ng kudlit o pamatay-patinig ay ang J(Pamudpod o kudlit na nagmula sa Kavi), +(Krus), n(Kawil) at iba pa.
      Sa Makabagong Baybayin ang X ay ang pangunahing Pamatay-Patinig na mas gamitin ng karamihan sa kadahilang mas madali isulat -pakananan man o pababa ang paraan ng pagsulat. Ang X Kudlit ay binibigyang halaga bilang pambansang Pamatay-patinig para sa Baybayin. Ang Pamudpod at ilang lalawiganing Kudlit ay mananatiling buhay at ang X ay gagamitin para sa pangkalahatan.


Ang X Kudlit at mga Haka-hakang Pinagmulan
     
 1.) Taong 1914 ayun sa kanyang aklat ipinakilala ni Mr. Romualdez ang kanyang mga mungkahi para sa ikauunlad ng Tagbanwa Baybayin. Sa kanyang mungkahi ang X ay isang pamatay-patinig. Ang sagisag ay binubuo ng dalawang kudlit na pinag-isa > < . Sa marahil ito ang mas malapit na pinagmulan ng X o Kali/Sinawali kudlit ng kasalukuyan.

2.) Pangalawang maaring pinagmulan ng X kudlit ay ang mga "sagisag" ng larong Kali/Escrima/Arnis(paraan ng pakikipaglaban ng mga sinaunang Pilipino). Ang kadalasang sagisag ng Kali o FMA ay dalawang pamalo/yantok o dalang Itak/Patalim na naka pa-eks "X". Ang Kali/Sinawali ay nagsimulang sumikat ng lantaran sa Amerika at nuong bandang pagtatapos ng 60's at pasimula ng 70s. Sa Pilipinas ay umusbong rin ang mga laro tulad ng Kickboxing at mga katulad nitong laro tulad ng Panuntukan, Yawyan at Sikaran. Ang sagisag nito ang maaring ginaya ng ilang mga taga Manila bukod sa paraan ng pagsulat ng +.

3.) Ayon kay Christian Cabuay bandang 70's nang nasa Maynila siya ay nakita niya ang ilan na ang paggamit nila ng + ay hugis X. Bandang 90's ay ipinagpatuloy ang paggamit nito nila Alex Figueroa at Norman de los Santos, Christian Cabuay(1996) at karamihan ng magbabaybayin sa kasalukuyan.
Mula sa katawagang Sinawali nuong kalagitnaan ng 2003 ito ay pinalitan bilang Kali ng sumunod na taon.

Ang X bilang "Kali Kudlit"

     Ang Sinawali ay salitang kapampangan na naunang itinawag sa X bandang kalagitnaan ng taong 2013. Ang salita ay tumutukoy din sa paraan ng pagbuo ng mga dingding o pagsasala-sala. Ang salita ay katawagan din sa pagsasanay ng Kali na ginagamitan dalawang pamalong yantok.

    Ang Kali ay may mga katumbas na salita sa Luzon at Bisaya na mas angkop na salita para sa X kasabay ng pagsikat ng FMA ay siya ring pagyabong ng Pilipinong panulat sa makabagong panahon.

    Ang Kali ay mas maikling salita na pwedeng ipantawag sa X na walang angkop na ngalan bukod sa Ekis o Virama ng ka-Indiyahan. Ang Kali ay tumutukoy sa lahat ng mga uri at paraan ng pakikipaglaban at pagsasanay ng mga Pilipino tulad ng Sikaran, Kaliradman, Panuntukan, Sikaran at iba pa maging ito man ay may sandata o kamay-sa kamay.

Sinawali vs Kali bilang Katawagan

     Sa Luzon X kudlit ay kilalanin bilang Sinawali at Kali kudlit. Sa Bisaya at Mindanao ang Kudlit ay tinatawag bilang Kali kudlit. Ang katawagan ay ibinatay din sa Laro/Martial Art na Kali/Arnis na may kanya kanyang katawagan sa Luzon. Sa dami ng katawagan ay Sinawali at Kali lamang ang gagamitin.
     Alinman sa dalawang salita ang gamitin ay mainam kung ihalintulad sa iba pang katawagan tulad ng "Eks" na ginagamit ng mga di nakakakilala sa kudlit.

Mga Site na Kaugnay:
  1. Kali-Arnis-Eskrima
  2. Norberto Romualdez Book

Sabado, Hulyo 12, 2014

Baybayin Script ng Kasalukuyan

Baybayin Script Yesterday, Today and Tomorrow ( Updated: Modern Baybayin set)

Apoy at Talim (Version II of Hapoyan Style
Baybayin script "SUGO" on my T-shirt. 
Pwedeng Itatak sa Damit, sa Balat at maging Design sa anumang bagay.

Ang bawat isa ay malayang gamitin(pansarili) ang design maliban lamang kung ito ay gagamitin sa Business para kumita(sa ganung pagkakataon ay kailangan ng aking pahintulot).

Linggo, Hunyo 8, 2014

Baybayin Variants


Baybayin Variants sa Makabagong Panahon
            Ang karamihang pook sa bansa ay may mga sariling Baybayin na naitala. Ang mga Ilokano, Kapampangan, Tagalog, Zambal, Bikol, Bisaya at ibpa. ay may mga kanya kanyang paraan sa pagsulat ng Baybayin, gayunman kaunti lamang ang pagkakaiba nito. Ang mga pook na walang naitalang Baybayin bilang panulat ay gagamit ng Karaniwang Baybayin(Regular Baybayin). Ang Regular Baybayin(Karaniwang Baybayin o common na mga sagisag mula sa lahat ng Baybayin variants) ay gagamitin bilang pambansang panulat para pagkaisahin ang Bansa. Ang mga panglalawigang Baybayin ay mananatili tulad ng sa K12 Kurikulum(ayun sa wika) at ang Regular Baybayin ay kasama rin sa pag-aaralan ng bawat lalawigan bilang pambansang panulat.
Paalala: Ang Cross kudlit bilang Virama na ipinakilala ni Lopez ay hindi tinanggap ng mga sinaunang Pilipino.
Ang Kawil/Karit, Pamudpod at Sinawali o X-Virama ay ilan sa mga pwedeng gamitin bilang Pamatay-katinig o Virama

1.) Regular Baybayin (gamit ang Kali/Sinawali Kudlit)
(See Update: Regular Style Update)



2.) Zambal Baybayin

3.) Pangasinense Baybayin

4.) Ilokano Baybayin


5.) Tagalog Baybayin

6.) Bulakan-Tondo Baybayin (Another Tagalog Baybayin Version)

7.) Batangas Baybayin
Revised: 2019 Pagkakasunod ng Ca, Ja, Ña


 7.) Bikol Baybayin
Revised: 2019 Pagkakasunod ng Ca, Ja, Ña



 7.) Kapampangan Baybayin

7.) Bisayan Baybayin

Revised: 2019 Pagkakasunod ng Ca, Ja, Ña


 10.) Sulu-Sabah Baybayin

11. Subanen Baybayin
(Ang Gma at Mba Vowel na E, I etc.  ay optional na lamang dahil hindi nagagamit)


12. Baybayin for Chavacano

Biyernes, Mayo 9, 2014

Modern Baybayin Chart and the Three Vowel Killer/Virama


Baybayin and Pamudpud
Makabagong Baybayin na gumagamit ng Pamudpud bilang Vowel Killer. Ang Pamudpud ay ginagamit sa kasalukuyan ng mga katutubong Mangyan. Ang Ra ay isa ding makabagong dagdag na sagisag sa Mangyan  Baybayin. Sa kasalukuyan marami ang gumagamit ng Pamudpud bilang Vowel Killer nukod sa Sinawali at Kawil.


Baybayin and Kali(Sinawali)

           Ang Kali kudlit(Sinawali) ay mas gamitin ng mga Makabagong Baybayinista. Ang X ay maaring tuwirang nagmula sa ipinanukala ni Mr. Norberto Romualdez sa Baybayin ng Tagbanwa nuong 1914. Ang X(Kali) ay in-adopt nuong 2013 ng Modern Baybayin Community bilang isa sa pangunahing Pamatay-patinig na gagamitin. Ang Kali ay naunang pinangalanan nuong 2013 bilang Sinawali tinawag ng Modern Baybayin Community bilang Sinawali o binase sa magkahilis na dalawang Stick o dalawang Patalim/Itak o Espada na sinaunang paraan ng pantanggol ng mga Pilipino.
           Ang Sinawali ay lalawiganing salita ng Kapampangan para sa katutubong paraan ng pakikipaglaban at tumutukoy rin sa paggawa ng dingding o pagsasala sala ng buho o kawayan. Ang Kali ay pangkalahatang pantawag sa mga katutubong paraan ng pakikipaglaban na ginagamitan ng dalawang pamalo -ang Yantok o maging mga patalim/ itak tulad ng Balisong, Baraw, Bolo, Kampilan at maging sa mga pakikipaglaban gamit lamang ang dalawang kamao at paa.

Sabado, Mayo 3, 2014

Baybayin - Philippine National Writing System

Philippine Modern/Modified Baybayin Chart
Finalization(Timeline) of Modern Baybayin Set



               Modernized Old Baybayin Samples from Different Parts of the Philippine Islands
Revised
2019:  Ca, Ja, Ña positions

Sabado, Pebrero 8, 2014

Development and Standardization of Baybayin script

Regular Style Baybayin - Pambansang Anyo ng Baybayin ng Pilipinas
Standardized Baybayin
Baybayin developments started during or even before the Spaniards came to our islands. Zambal baybayin of Bolinao have already developed  as they have symbol for E different from I symbol and Da to Ra. But the most controversial development was done by Lopez when he introduced Cross kudlit as a vowel killer.  Filipinos never accepted cross kudlit as it represents Christianity or western influence to our writing system. In Standardizing Baybayin we have to consider: History of Baybayin, Rules in writing the script/Traditional way, Comparing with related scripts such as Kavi and other South East Asian scripts. We also have to consider the main purpose of new developed Baybayin characters and it's Public Acceptance.